Wala sa isip ni Pope Francis ang pagbaba sa pwesto.
Iyan ay matapos ang isinagawang operasyon sa kaniya nitong Hulyo 4 matapos makaranas ng isang uri ng diverticulitis, isang pamamaga sa loob ng bituka.
Kumalat kasi ang usapan na nasa isip na ng Santo Papa ang pagbibitiw na napaulat sa sa Italian media nang dahil sa kanyang naging surgery.
Ayon pa sa Santo Papa, hindi pumasok sa isipan niya ang pagbibitiw at hindi nya alam kung saan nakuha ang nasabing usapin.—sa panulat ni Rex Espiritu