Hinikayat ng Santo Papa ang publiko na paglabanan ang pangungutya at ang paghahangad sa kayamanan kasabay ng paggunita sa pasko ng pagkabuhay.
Paalala ng Santo Papa, huwag ibaon ang pagasa sa buhay at iwaksi sa isipan na ang kamatayan ay mas malakas kaysa sa pagkabuhay.
Ang araw aniya ng pagkabuhay ay araw ng kagalakan at pag-asa.
Hinimok din nito ang mga mananampalataya na hanapin ang tunay na daan tungo sa kaligtasan at huwag maghangad ng sobra-sobrang yaman, sariling kaaliwan at kahambugan.