Respeto sa kababaihan ang naging sentro ng unang mensahe ng Santo Papa ngayong 2020.
Sa misa sa St. Peter’s Basilica sa unang araw ng taon, sinabi ni Pope Francis na paglapastangan sa Panginoon ang anumang porma ng pang aabuso na ginagawa laban sa mga kababaihan.
Ayon sa Santo Papa, kung ninanais ng marami sa atin ang mas mapayapang mundo, dapat at tratuhin ang mga kababaihan ng may dignidad at matigil na ang mga pananamantala.