Tila mas mapapalapit ang Santo Papa sa langit matapos itakda ang pagtawag ni Pope Francis sa International Space Station.
Ayon sa Vatican tatawag si Pope Francis sa ika-26 ng Oktubre.
Hindi naman nagbigay pa ang Vatican ng karagdagang detalye kaugnay sa nasabing aktibidad.
Ngunit naiuugnay rin dito ang pagiging suportado ng Santo Papa sa Pontifical Academy of Sciences kung saan regular na nagpupulong ang mga siyentipiko mula sa iba’t ibang panig ng mundo para pag-usapan ang iba’t ibang isyu tulad ng climate change.
Sa kasalukuyan may anim na crew ang international space station, tatlong Amerikano, dalawang mula sa Russia at isang Italyano.