Nanawagan si Pope Francis na ipagbawal ang surrogacy o ang pagdadala ng isang babae sa anak ng ibang tao.
Ayon sa Santo Papa, ang surrogacy ay isang mabigat at malaking pagsasawalang-bahala sa dignidad ng babae at karapatan ng bata.
Dagdag pa ng Catholic leader, ang bata ay isang regalo at hindi kailanman dapat na maging basehan ng isang kontrata.
Dahil dito ay umaasa si Pope Francis na maipagbabawal sa buong mundo ang surrogacy sa tulong na rin ng mga lider ng bawat bansa. - sa panulat ni Laica Cuevas