Nanawagan si Pope Francis ng mapayapang resolusyon sa krisis sa Venezuela.
Ayon sa Santo Papa, dapat manatili ang respeto sa karapatang pantao at itigil na ang karahasan na nagresulta na sa pagkamatay ng halos tatlumpu (3) katao simula pa noong Abril.
Handa anyang mamagitan ang Vatican upang mapahupa ang magkakalabang paksyon.
Kasalukuyang dumaranas ng economic crisis ang Venezuela dahil sa “sobrang” taas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, kakulangan sa supply, pabahay at mataas na unemployment rate.
Ito rin ang nag-udyok kay President Nicolas Maduro na itaas ang sweldo ng mga manggagawa subalit hindi ito sapat bagkus iginiit ng mga raliyista na ayusin ang sistema ng kalakalan.
By Drew Nacino