Nanawagan si Pope Francis ng pakikiramay sa mga kabataan.
Sa kaniyang homily sa Christmas Eve Mass sa Saint Peter’s Square, hinimok ng Santo Papa ang mahigit 1 bilyong katoliko na magkaroon ng awa lalo na ang mga biktima ng gera, migration, at ang mga batang namatay.
Binigyang pansin ng Santo Papa ang mga batang namamatay habang nilalakbay ang Mediterranean Sea upang makapasok sa Europe.
Binanggit din ni Pope Francis ang mga batang naiipit sa civil war sa Syria.
Samantala, muli namang nanindigan ang Santo Papa sa pagtutol nito sa abortion.
By: Avee Devierte