Kasabay ng World Day of Peace, nanawagan si Pope Francis na tigilan na ang pang-aabuso sa mga kababaihan dahil pang-iinsulto rin umano ito sa Diyos.
Sa kanyang misa sa St. Peter’s Basilica sa Vatican, hinimok ng santo papa ang mga mananampalataya na palaging isipin ang kapayapaan.
Sinabi pa ni Pope Francis na ang mga kababaihan partikular ang mga ina ang nagpapanatili ng kaayusan sa pamumuhay, kaya dapat na protektahan ang mga ito.
Magugunitang noong nakaraang buwan ay nagsalita na rin ang santo papa hinggil sa pang-aabuso sa kababaihan.