Nakiisa si Pope Francis sa kampanya laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng paghimok sa publiko na magpabakuna.
Ayon sa Santo Papa, ang pagpapabakuna ay isang “Act of Love” dahil paraan ito upang magpakita ng kabutihan at pagmamalasakit sa bawat isa.
Gayundin aniya ang pagtutulungan na matiyak na mababakunahan ang mas maraming tao laban sa virus.
Kaugnay nito, pinuri at pinasalamatan rin ni Pope Francis ang mga siyentipiko sa paggawa ng ligtas at epektibong mga bakuna.
Sinabi pa ng Santo Papa na ang mga bakuna ay nagbibigay ng pag-asa na matatapos rin ang COVID-19 pandemic.—sa panulat ni Hya Ludivico