Siniguro ni Pope Francis na bibisitahin niya ang Iraq dahil hindi na dapat aniya maulit pa sa ikalawang pagkakataon ang naudlot na pagbisita ni Pope John Paul sa naturang bansa noong taong 2000.
Hiling ng Santo Papa na tulungan siyang magdasal na matuloy ang plano niyang pagbisita sa bansa at maganap ang layunin nito.
Ayon kay Papa Francisco, nais niyang makadaupang palad ang mga taong labis na naghihirap at makita ang mga martir ng Simbahang Katolika sa nasabing bansa.
Tinatayang aabot sa 10,000 security forces ang itatalaga bilang proteksyon sa Santo Papa habang lulan ng armored vehicle oras na bumisita na ito sa Iraq na hanggang sa ngayon ay may nagaganap na kaguluhan.—sa panulat ni Agustina Nolasco