Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Santo Tomas sa Davao Del Norte dahil sa naranasang matinding pagbaha doon nitong nakalipas na mga araw.
Ayon kay Santo Tomas Municipal Information Officer Mart Sambalud, idineklara ang state of calamity matapos irekomenda ng kanilang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council.
Ani Sambalud, umaabot na sa mahigit 6,500 mga pamilya mula sa 10 barangay ang apektado ng malawakang pagbaha bunsod naman ng naranasang localized thunderstorm.
Batay naman aniya sa kanilang pagtaya umaabot na sa halos P47,500,000 ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng naranasang pagbaha.
Habang pumapalo naman sa mahigit P8-M ang halaga ng pinsala sa imprastraktura.