Hindi nangangamba si AFP Chief of Staff General Filemon Santos Jr., sa posibleng maging epekto ng pagtatapos ng visiting forces agreement sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ayon kay Santos, tiwala siyang kakayanin ng militar na mag-survive kahit pa wala ng tulong mula sa Amerika.
Aniya may mga kagamitan rin naman ang AFP para idepensa ang bansa laban sa mga kaaway nito.
Kasabay nito, tiniyak ni Santos ang suporta ng militar sa naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.