Walang nakikitang problema ang Kapuso actress na si Sanya Lopez sa mga artistang sumailalim sa cosmetic surgery.
Ani Sanya nire-respeto niya ang mga ganitong desisyon ng kanyang kapwa artista.
Payo ng Kapuso actress sa publiko ay maging masaya na lamang sa mga taong dumaan sa ganitong surgery lalo na kung wala naman itong tinatapakang ibang tao.
Kasunod ang pahayag ni Sanya sa pagkakadawit nito sa isyu na na ‘retokada’ umano siya.
Gayunman, inamin naman niya na dumaan siya sa dental improvements ngunit walang anumang surgery.
Una nang itinanggi ng aktres na nag-undergo sa breast enhancement.