Nagdaos ng meet and greet sa mga Pilipino sa South Korea si Special Assistant to the President Bong Go.
Kasama si Go sa official visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa South Korea.
Nilinaw naman ni Go na hindi pamumulitika ang pakay ng kanyang ikinasang meet and greet sa halip gusto lang aniya niyang batiin ang mga Pilipino roon.
Kasama ni Go sa naturang aktibidad ang mga matataas na opisyal ng gobyerno tulad ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inendorso ni Go para tumakbong senador, PCOO Secretary Martin Andanar, PCOO Asec. Mocha Uson, Presidential Adviser Francis Tolentino, Broadcaster Ramon Tulfo, Davao City Rep. Karlo Nograles at mga artistang sina Philip Salvador, Ryan Bang at Robin Padilla.
Hinikayat ni Andanar, Salvador at Padilla ang mga nakaharap nilang Pilipino na suportahan si Go sa pagtakbo sa senado.
Pero ayon kay Go, masyado pang maaga para pag usapan ang posibilidad ng pagtakbo niya sa darating na halalan.