Dadalo sa pagdinig ng Senate Defense Committee sa Lunes si Special Assistant to the President Sec. Cristopher “Bong” Go.
Ito ang kinumpirma ni Senador Gringo Honasan kaugnay ng pagkakasangkot ni Go sa kontrobersyal na pagbili ng mga barkong pandigma ng Philippine Navy.
Bubusisiin sa naturang pagdinig ang di umano’y overpriced na pagbili ng mga naturang barkong pandigma ng navy sa isang kumpaniya sa South Korea na nagkakahalaga ng 15.5 bilyong piso.
Magugunitang inilathala noon ng online news site na Rappler na pumasok umano si Go sa pagpili ng supplier ng combat management system na itinuturing na main computer ng mga barko.