Sapat ang suplay ng sibuyas sa bansa.
Sinabi ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na madami ang produksiyon ng sibuyas ng bansa sa ngayon na nangangahulugang naging matagumpay ang programa ng ahensya sa onion production.
Samantala, aminado si DAR na kulang sila ng pondo para makapagbigay ng cold storages o imbakan ng sibuyas sa mga magsasaka.
Kapag wala kasing imbakan ng sibuyas ay madali itong masira o mabulok daan upang malugi ang mga onion farmers.
Sinabi pa ni DAR, maganda ang ani ng sibuyas sa Mindoro, Nueva Ecija, Pangasinan at Nueva Vizcaya na pangunahing pinagkukuhanan ng suplay ng sibuyas sa bansa.