Muling tiniyak ng Department of Energy na sapat ang supply ng kuryente sa susunod na taon.
Ito’y sa kabila ng pinangangambahang pagnipis ng supply ng kuryente mula sa mga hydro electric power plant na nakadepende sa lebel ng tubig, dahil sa El Niño.
Ayon sa DOE, makakatulong sa supply ng kuryente ang kanilang mga transmission projects, na inaasahang matatapos sa susunod na taon, at ilang solar power plant, na target i-operate sa 2024.
Kaugnay nito pinayuhan naman ni Energy Undersecretary Wimpy Fuentebella ang publiko na magtipid sa kuryente bilang paghahanda sa El Niño sa susunod na taon. - sa panulat ni Charles Laureta