Tiniyak ito ni DTI Secretary Ramon Lopez matapos palawigin pa ng dalawang linggo o hanggang may 15 ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at iba pang lugar.
Sinabi ni lopez na tuloy ang trabaho sa mga food production business kayat maraming supply ng de lata, instant noodles, gatas at iba pang pangunahing produkto.
Tuluy tuloy din aniya ang operasyon ng mga kumpanyang gumagawa ng alcohol, shampoo at sabon.
Siniguro rin ni Lopez ang sapat na tauhan ng mga grocery store at iba pang essential businesses sa kabuuan ng quarantine period.
Ipinaalala rin ni Lopez ngayong extended muli ang ECQ sa mga nagpapa renta ng residential at commercial units, public utility companies at mga bangko na huwag munang maningil ng renta o loan hanggang Mayo 15.