Tiniyak ng Department of Health (DOH) Bicol na magiging sapat ang alokasyon ng mga bakuna para sa mga unvaccinated individuals.
Sa pahayag ni DOH-Bicol COVID-19 program coordinator Dr. Lulu Ramos-Santiago, walang magiging problema sa mga bakuna dahil ang magiging alokasyon ay nakabase sa bilang ng mga unvaccinated individuals ng isang lugar.
Sakop ng mga bakunang Pfizer at Moderma na dumating mula sa National Vaccination Operation Center (NVOC) ang mga edad 12 hanggang 17 na hindi pa nagkakaroon ng first dose, second dose o booster shot.
Sinabi ni Ramos-Santiago na walang dapat ikabahala ang publiko dahil mayroong Gamalea, Aztrazeneca at Sinovac vaccine na maaaring iturok sa mga kabilang sa ibang category.
Samantala, nanawagan naman ang DOH-Bicol sa publiko partikular ang mga residenteng nakatira sa mga malalayong lugar na hindi pa naaabot ng pagbabakuna na magtungo na sa pinakamalapit na health center o vaccination site para makatanggap ng proteksiyon laban sa nakakahawang sakit. —sa panulat ni Angelica Doctolero