Muling tiniyak sa publiko ng Bureau of Fire Protection (BFP) na may sapat silang bilang ng mga fire trucks na ide-deploy nila sa pagsalubong sa bagong taon.
Ayon kay BFP spokesperson Supt. Analee Atienza, nakikipag-ugnayan sila sa Philippine National Police (PNP) para sa deployment ng mga truck sa mga strategic areas.
Mahalaga aniya ang presensya ng mga ‘force multipliers’ sa Metro Manila tulad ng mga fire volunteers upang matiyak na ligtas ang pagpasok ng bagong taon.
Sa halip na gumamit ng paputok, pinayuhan ni Atienza ang publiko na manood na lamang ng fireworks displays sa mga designated areas sa kanilang mga komunidad.
Matatandaang inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga lokal na pamahalaan na gumawa ng mga fireworks displays para sa kanilang mga constituents.