Tiniyak ni National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. na may sapat na storage space o pasilidad na pag-iimbakan ng mga bagong dating na COVID-19 vaccines.
Ginawa ni Galvez ang pahayag kasunod ng pagdating ng mahigit 100,000,000 doses ng Moderna vaccines sa bansa.
Sinabi ni Galvez na nakikipag-ugnayan na rin ang Department of Health (DOH) sa mga rehiyon, lalawigan, at munisipalidad para hindi masayang ang mga bakuna at mapabilis ang vaccination program ng pamahalaan.