Siniguro ng Palasyo na sapat ang manpower ng pamahalaan para mapangasiwaan ang pagbabakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa milyun-milyong Pilipino.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, malawak ang sakop ng karanasan ng Health Department sa usapin ng pagbabakuna.
Pagdidiin ni Roque, hindi naman aniya kailangang doktor pa ang lahat ng magtuturok nito, dahil nariyan ang mga nurses at health workers ng iba’t-ibang barangay para tumulong.
Nauna rito, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kapulisan at kasundaluhan na tumulong sa pagbabakuna kontra COVID-19.