Tiniyak ni Office Civil Defense (OCD) Administrator Undersecretary Ricardo Jalad na may sapat na pondo ang gobyerno upang tustusan ang mga pangangailangan ng mga maapektuhan ng bagyong Odette.
Aniya, hindi pa nangyari sa kasaysayan na nawalan ng pondo ang pamahalaan sa pagtugon sa mga sakuna.
Kaugnay nito, mayroon aniyang mahigit 300 milyong pisong halaga ng standby resources ang nakahandsa upang matulungan ang mga apektadong residente. —sa panulat ni Airiam Sancho