Tiniyak ng Department of Finance na sapat ang pondo ng gobyerno para sa pagbabakuna kontra COVID-19 ng buong adult population ng bansa kahit ng mga teenager.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, mayroong P85-B ang pamahalaan upang ipambili ng 140 million vaccine doses para sa 70 million adults.
Kung babakunahan naman anya ang mga edad dose hanggang kinse ay karagdagang P20-B ang kailangan at meron namang reserbang pondo para sa 15 million teenage population.
Bagaman aprubado na ng Food and Drug Administration (FDA), hindi pa sinisimulan ng gobyerno ang vaccination sa mga teenager lalo’t hindi pa umano ito prayoridad dahil nakatuon pa sa unang apat na priority groups. — Sa panulat ni Drew Nasino.