Tiniyak ng Department of Trade and Industry o DTI na walang paggalaw sa presyo ng noche buena items.
Ayon kay DTI Undersecretary Ted Pascua, nananatiling walang pagbabago sa presyo at sapat ang suplay ng mga produkto kaya walang dahilan upang magpatupad ng dagdag na presyo ang mga supplier at vendor.
Nauna rito, pinayuhan ni Pascua ang publiko na maagang mamili upang hindi maabala sa Christmas rush.
Samantala, wala namang namomonitor ang DTI na pagtaas sa presyo ng bulaklak at kandila ngayong papalapit na ang Undas.
—-