Ipinagmalaki ng nagbitiw na National Food Authority (NFA) Administrator Renan Dalisay ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng bigas sa pagpasok ng lean months.
Ito’y kahit pa maraming sakahan ang naapektuhan ng matinding El Niño o tagtuyot sa bansa.
Binigyang diin ni Dalisay, sapat ang bilang ng mga nakaimbak na bigas sa mga bodega at may reserba pa ito sa ika-30 araw sa kalagitnaan ng Hunyo.
Karaniwang nagsisimula ang lean months o panahon ng pagtatanim tuwing buwan ng Hunyo na nagtatapos sa Setyembre na siyang panahon naman ng anihan.
By Jaymark Dagala