Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na sapat ang suplay ng asukal sa bansa.
Ayon sa Pangulo, batay sa Sugar Inventory, hindi pa kailangang mag-angkat ng panibagong suplay ng asukal dahil sapat pa ang suplay nito sa local industry.
Sinabi ni PBBM, kailangan munang ubusin ang suplay sa bansa bago mag-import ng panibagong suplay ng asukal.
Iginiit ng Pangulo na pinag-aaralan at binabalanse na ng pamahalaan ang importasyon ng asukal maging ang mga butil at feed wheat para masiguro ang seguridad ng pagkain sa bansa.
Bukod pa dito, iniiwasan ng Pamahalaan na tumaas ang presyo ng sugar product, maibigay sa abot kayang halaga ang presyo nito sa taumbayan at para hindi makompromiso ang lokal na produksyon ng mga magsasaka.