Hinikayat ni infectious disease specialist Dr. Rontgene Solante ang pamahalaan na tiyakin ang sapat ng suplay ng bakuna at gamot sa Covid-19.
Ayon kay Solante, kahit man matapos ang State of Calamity sa bansa, asahan pa aniya na tataas pa ang kaso bunsod ng malamig na panahon at pagdami ng mga tao na lumalabas ng kani-kanilang tahanan.
Hindi rin anya maiiwasan ang mga bagong subvariant dahil sa maluwag na health protocls.
Samantala, una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., na paiigtingin pa ang State of Calamity. —sa panulat ni Jenn Patrolla