Tiniyak ng National Food Authority (NFA) na sapat ang suplay ng bigas sa mga lugar na naapektuhan ang pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Ipinabatid ni NFA Administrator Judy Carol Dansal na bukas din ang lahat ng operation centers ng NFA Central at field offices sa loob ng 24- oras.
Siniguro rin ng NFA ang skeletal force nila sa kanilang field office at warehouse sa Batangas kahit walang pasok ang government offices sa lalawigan.
Batay sa datos ng NFA, mayroong stocks ng bigas sa region 4 na aabot sa halos 2-milyong bags; ang NCR o Metro Manila ay mayroong halos 200,000 bag habang nasa halos 2-milyong bags din ang inilaan sa region 3.
Tiniyak din ni Dansal na ligtas kainin ang NFA rice dahil maayos na nakaimbak ang mga ito sa warehouse ng NFA at hindi naman napasok o naapektuhan ng ash fall ang mga ito.