Tiniyak ng National Food Authority (NFA) na may sapat na suplay ng bigas para sa mga biktima ng bagyong Odette.
Ayon kay NFA Administrator Atty. Judy Carol Dansal, gagamitin nila ang mga stocks ng bigas mula sa ibang warehouse na hindi naapektuhan ng pananalasa ng bagyo upang matugunan ang posibleng kakulangan.
Dagdag pa ng administrador, hindi kailangan mag-alala ng mga residente mula sa apektadong rehiyon dahil nakahanda rin ang prepositioned rice supply ng ahensiya. —sa panulat ni Joana Luna