Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos ang sapat na suplay ng mga gamot sa evacuation centers.
Sa isinagawang situation briefing sa Maguindanao, sinabi ng pangulo na dapat gawin ng polisiya ang pagsasama ng gamot sa mga ipinamamahaging relief goods, lalo na para sa mga senior citizen tuwing may kalamidad.
Maliban dito, pinasisiguro rin ng punong ehekutibo na dapat magkaroon ng mga gamot na hindi na kailangan ng prescription tulad ng para sa ubo, sipon, lagnat at iba pa.
Ipinag-utos naman ng pangulo ang pagpapadala ng mga doktor matapos mapaulat na ilang bakwit na ang nagkakasakit. —sa panulat ni Jenn Patrolla