Inihayag ng Department of Agriculture (DA), na sapat at walang kakulangan sa suplay ng mga gulay sa bansa.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Agriculture Undersecretary Kristine Evangelista, na tinitignan pa rin ng kanilang ahensya ang kalagayan at kalidad ng suplay sa bansa partikular na ang mga lugar na tinamaan ng nagdaang bagyong Karding.
Sinabi ni Evangelista, na pinaka-naapektuhan ng pananalasa ng bagyo, ang suplay ng palay.
Dagdag pa ni Evangelista nakatutok ngayon ang kanilang ahensya sa mga lugar na sinalanta ng bagyo kung saan, pinakikilos na ang libreng trucking para madala ng mga magsasaka sa mga pamilihan sa Metro Manila ang kanilang mga produkto.
Nilinaw naman ni Evangelista na kung mayroon mang pagtataas sa presyo ng mga vegetable products sa National Capital Region (NCR), ay hindi dahil sa epekto ng bagyo kundi dahil sa pagbagsak sa palitan ng piso kontra dolyar.