Muling tiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na sapat ang suplay ng isdang “tamban” sa bansa.
Taliwas sa napaulat na magkakaroon ng kakulangan sa sardine products, binigyang diin ni BFAR-9 Director Isidro Velayo Jr. na ang ‘annual catch’ ng sardinas ay 300,000 metric tons batay na rin sa datos ng Philippine Statistics Authority.
Matatandaang ibinabala ng Canned Sardines Association of the Philippines na posibleng magkaroon ng kakulangan sa suplay ng “tamban” kung magpapatuloy ang mababang produksiyon nito.