Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na sapat ang power supply sa oras na sumailalim sa maintenance shutdown ang Malampaya natural-gas facility sa Enero 28 hanggang Pebrero 16.
Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, hindi dapat magkaroon ng direktang epekto sa supply ng kuryente ang maintenance shutdown ng Malampaya.
Naglatag na anya ng mga preparasyon ang kagawaran maging ang industry stakeholders bago ang aktuwal na shutdown upang maprotektahan ang mga consumers mula sa posibleng epekto ng maintenance sa supply at presyo ng kuryente.
Titiyakin din ng DOE na masusunod ang maintenance schedule ng operator ng natural gas facility na Shell Philippines Exploration Corporation lalo’t may maganda itong track record sa mga proyekto.
By Drew Nacino