Titiyakin ng Department of Energy (DOE) na sasapat ang suplay ng langis sa mga oil refineries sa bansa.
Ito’y sa harap ng pangamba ng epekto ng pagkasunog ng dalawang planta ng langis sa Saudi Arabia.
Ayon kay Atty. Rino Abad, Director ng DOE-Oil Industry Bureau, kanilang aatasan ang mga Oil refinery na magimbak ng hanggang 30 araw na suplay ng langis.
Sa hakbang umano na ito ay matitiyak na hindi kukulangin ang bansa sa suplay ng langis hanggang sa susunod na buwan.