Nananatiling sapat ang suplay ng medical oxygen sa Pilipinas.
Ito’y ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, at sinabing nakatuon ang task force on medical oxygen supply hinggil dito.
Aniya, ang naturang task force ang magtitiyak na sapat ang suplay ng medical oxygen para sa mga pasyente.
Sinabi pa ni Lorenzana na wala na silang natatanggap na reklamo mula sa mga ospital dahil sapat na ang suplay nito.
Sa ngayon ay mayroong 120 licensed manufacturer ng oxygen na nagsu-supply sa mga pagamutan sa bansa.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico