Muling tiniyak ng pamahalaan na sapat ang suplay ng pagkain sa buong kapuluan.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, batay sa imbentaryo ng Department of Agriculture (DA), makasasapat sa loob ng 75-araw ang imbak na bigas.
Idagdag pa anya rito ang 300-tonelada ng bigas na aangkatin ng pamahalaan.
Tugon ito ni Nograles sa mga pangamba na kahit pa mamahagi ng ayudang pera ang pamahalaan ay wala ring saysay kung wala namang mabibiling mga produkto.
Kasabay nito, muling nanawagan ng kooperasyon sa sambayanan si Nograles upang maaga anya tayong makabangon mula sa dinaranas na krisis.
The crisis is here and now, and how we choose to confront this threat will determine how and when we eill overcome it. Nasa kamay po natin an gating kapalaran,” ani Nograles.