Muling tiniyak ni Agriculture Secretary William Dar na sapat ang suplay ng pagkain para sa dalawang linggong modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Mega Manila.
Ayon kay Dar, batay sa kanilang monitoring sa food supply situation sa bansa, sobra-sobra ang suplay ng pagkain tulad ng bigas, gulay, manok, at prutas.
Titiyakin din ng kalihim na hindi mababalam ang mga biyahe ng mga essential products sa kabila ng umiiral na mas mahigpit na quarantine measures sa iba’t ibang lugar.
Samantala, nanawagan din si Dar sa mga lokal na pamahalaan na siguruhing makakabiyahe ang mga cargo trucks na nagdadala ng mga pagkain paluwas ng Metro Manila.