Tiniyak ng National Water Resources Board (NWRB) na sapat ang suplay ng tubig ngayong dry season.
Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David Jr., walang dapat ipangamba dahil makasasapat ang suplay ng tubig lalo na at kailangan ito ngayon na panghugas ng kamay at mga isinasagawang disinfection drives para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ani David, bagama’t may pagbaba sa lebel ng tubig ng Angat Dam ngayon na nasa 197.6 meters, mas mataas pa rin ito kumpara sa antas ng tubig noong nakaraang taon sa kaparehas na panahon.
Dagdag pa ni David, kamakailan lang aniya ay ibinalik na ang water allocation na 46 cubic meters para sa Metro Manila mula sa dating 42 cubic meters para matipid ang suplay ng tubig.