May sapat pang tubig ang Pantabangan Dam sa Nueva Ecija para sa irrigation at power requirements ng Central Luzon sa susunod na buwan.
Ito’y ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa kabila ng unti-unting pagbaba ng antas ng tubig sa nasabing dam.
Sinabi ni PAGASA hydrologist Edgar dela Cruz na ang water level sa Pantabangan Dam nitong Sabado ay nasa 187.71 meters o mas mababa kumpara sa normal-high water level na 216 meters.