Tiniyak ng National Task Force Against COVID-19 (NTF) na sapat ang suplay ng COVID vaccine booster para sa healthcare workers.
Ayon kay Dr. Ted Herbosa, Special Adviser ng NTF, mahigit 50 milyong doses pa ng bakuna ang nakaimbak sa cold storage facilities.
Bukod pa anya ito sa dalawang milyong dose ng booster shots para sa health workers.
Tinaya na ng DOH sa animnalibo limandaang health workers sa buong bansa ang naturukan ng booster dose.