Tiniyak ngayon ng Department of Energy (DOE) na hindi magkukulang ang supply ng kuryente tulad ng nangyayari ngayon sa supply ng tubig.
Ayon kay Energy Undersecretary Felix Fuentebella, kampante ang DOE na sapat ang supply ng kuryente sa Luzon sa nalalapit na panahon ng tag-init lalo’t tuloy-tuloy ang ginagawa nilang monitoring.
Samantala, iniimbestigahan na rin ngayon ng DOE kung may nangyayaring kuntsabahan sa sabay-sabay na pagpalya ng mga planta noong nakaraang linggo na dahilan upang numipis ang reserbang kuryente sa Luzon.
Nakapagdudulot kasi aniya ng pagtaas ng presyo ng kuryente sa spot market ang pagnipis ng reserba.
—-