Nananatiling sapat ang supply ng lahat ng noche buena items ngayong holiday season.
Ito ang tiniyak ng iba’t-ibang stakeholders sa Department of Trade and Industry (DTI) sa ginanap na national price coordinating council meeting.
Inihayag ni Trade Secretary Alfredo Pascual na kasama sa mga natalakay ang presyuhan at dami ng suplay ng noche buena products, lalo’t inaasahang magmamahal ang mga ito ngayong holiday season.
Gayunman, nilinaw ni Pascual na hindi kasama sa basic necessities at prime commodities kaya’t price guide lamang ang inilabas ng DTI para rito.
Inihalimbawa ng kalihim ang pinakamurang ham na magkakaiba ang presyo depende sa kalidad.
Mayroon anyang ham na P158 ang kada kilo subalit mayoon din namang P800 sa kaparehong timbang kaya’t nasa mga consumer na ang pasya kung ano ang bibilin depende sa kanilang budget.