Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development sa publiko na may sapat silang resources para tulungan ang mga apektado ng pagputok ng bulkang Bulusan sa Sorsogon.
Ito’y kahit nag-uwian na sa kani-kanilang bahay ang mga residenteng naapektuhan.
Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, aabot na sa P390,000 na halaga ng family food packs at hygiene kits ang naipamahagi na sa Juban, Sorsogon.
Hanggang nito anyang Miyerkules, Hunyo a – 8, nasa P5 million na halaga ng supply ng pagkain ang naka-standby sakaling kailanganin ang additional food packs.
Una nang inihayag ng NDRRMC na inaasahan na nilang makababalik na rin sa kani-kanilang bahay ang mga apektadong residente ngayong Linggo.