Isinusulong ng isang kongresista ang panukalang sapilitang pagbabakuna sa mga Pilipino kontra Polio, Tuberculosis, Tigdas at iba pang sakit.
Sa House Bill 4483 sa inihain ni Laguna 2nd District Rep. Ruth Mariano-Hernandez, layunin nitong maging malusog ang pangangatawan ng mga Pilipino at makaiwas sa anumang uri ng sakit.
Bukod sa Polio, Tuberculosis, Tigdas, layon din ng panukala na obligahin ang mga Pilipinong mabakunahan kontra Diptheria, Tetanus at Pertussis, Beke, Rubella o German Measles, Hepatitis B, Influenza Type B, Rotavirus, Japanese Encephalitis, at iba pa.
Ang panukala ay bersiyon ng House Bill 8558 na naipasa sa pangatlo at pinal na pagbasa noong 18th Congress.
Gayunman, hindi pa ito ganap na naipasa dahil sa kakulangan ng panahon.