Imamandato ng pamahalaan ng United Arab Emirates (UAE) ang sapilitang pagbabakuna laban sa COVID-19 bago makadalo sa mga pagtitipon ang mga mamamayan nito simula sa Hunyo 6.
Ayon sa tagapagsalita ng ministry of health ng UAE, paiiralin ang naturang polisiya sa mga events gaya ng sports, cultural, social, arts exhibition, activities at iba pang pagtitipon.
Bukod pa rito, kinakailangan ring magpakita ng negatibong resulta ng RT-PCR test ang mga dadalo 48 hours bago ang pagtitipon.
Matatandaang, 78.11% ng prayoridad na populasyon ng UAE na mabakunahan ay naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19.