Itinanggi ng embahada ng China ang ulat na sapilitang kinuha ng Chinese Coast Guard sa Philippine Navy, ang hindi mawaring bagay na nakitang lumulutang sa Pag-asa Island.
Sa inilabas na pahayag ng embahada kagabi, binigyang-diin nito na nagkaroon ng “friendly consultation” sa pagitan ng magkabilang-panig.
Hindi rin anila mauugnay ang mga ulat sa tunay na nangyari, dahil wala namang naganap na blocking sa barko ng Philippine Navy.
Nabatid na bago ito sinabi ni Armed Forces of the Philippines’ Western Command Spokesperson Major Cherryl Tindog, na hinarang ng Chinese Coast Guard ang Naval Station Emilio Liwanag ng Philippine Navy at pinutol ang humihila sa unidentified floating object para tuluyan itong makuha ng China.
Sa ngayon, desisyon na ng task force kung maghahain ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China.