Ipinagbabawal ng Department of Labor and Employment ang sapilitang pagpapasuot ng high heels sa mga babaeng empleyado.
Kasunod na rin ito nang nilagdaang Department Order ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nagbabasura sa requirement ng mga kumpanya sa kanilang female employees na magsuot ng high heels o mas mataas sa isang pulgada.
Sa halip binigyang diin ni Bello na ang heels na dapat isuot ay “wide” at hindi patusok.
Nakasaad din sa D.O ang pagre require sa mga kumpanya na payagan ang mga babaeng empleyado nila na palagiang nakatayo tulad ng salespersons, security guards at factory workers na magkaruon ng regular rest periods.
Ang nasabing direktiba ay epektibo labing limang araw matapos itong mailathala sa mga pahayagan sa buong bansa.
Tiniyak ng DOLE na mahaharap sa multa at iba pang parusa ang mga kumpanyang lalabag sa nasabing kautusan.
By: Judith Larino / Aya Yupangco
SMW: RPE