Plano ni Davao City Mayor Sara Duterte –Carpio na magpasaklolo sa Kongreso para maalis na ang pinamumunuang lungsod sa mga lugar sa Mindanao na isinailalim sa martial law.
Ayon kay Duterte-Carpio, kanya nang sinulatan ang Office of the President noon pang August 7 hinggil sa kanyang kahilingan kasama ang ilang mga dokumentong magbibigay suporta dito.
Gayunman, hanggang sa kasalukuyan ay wala pa aniya silang natatanggap na update.
Kaugnay nito, sinabi ni Duterte-Carpio na kanya na ring ipadadala ang request letter sa House of Representatives, Senado at Department of National Defense.
Magugunitang noong Hunyo inanunsyo ni Duterte-Carpio ang kahilingan sa Office of the President na ikunsidera ang pagrepaso sa deklarasyon ng martial law sa Mindanao at gawin na lamang itong localized.