Sa kauna – unahang pagkakataon ay hindi dadalo sa SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte si Davao City Mayor Sara Duterte – Carpio at kanyang ina si Elizabeth Zimmerman.
Naka-medical leave ngayon si Duterte – Carpio bilang alkalde sa hindi tinukoy na dahilan.
Ayon kay Inday Sara, manonood na lamang siya ng SONA ng pangulo kasama ang kanyang ina.
Hindi rin aniya makadadalo sa SONA ang kanyang bunsong kapatid na si Davao City Vice Mayor Sebastian Duterte dahil abala ito bilang acting mayor ng syudad.